FILIPINO, Wikang dapat Tangkilikin at Pagyamanin




No automatic alt text available.


          Ano nga ba ang wika? Ano ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa ating lipunan? At bakit dapat natin itong Tangkilikin at pagyamanin?
          Ang wika ay nagbibigkis ng mga mamamayang PIlipino sa lipunan. Ito ang sumisimbolo ng ating pagkakakilanlan at pagiging malayang bansa. Ito ang instrumento ng pakikipagtalastasan o pakikipagkomunisasyon sa mga tao dito sa ating bansang kinabibilangan. At ito rin, ang Daan upang mapahiwatig natin ang ating mga saloobin, opinion o kuro-kuro.
          Mahalaga ang ginagampanan ng Wikang Filipino sa atin at sa ating bansa sapagka't alam naman natin na may iba't-ibang kultura tayong kinabibilangan na may sari-sariling pangunahing wikang gingagamit kaya sa pamamagitan nito, magkakaroon tayo ng pagkakaisa na magdudulot ng pag-unlad ng ating bansa. At higit pa doon, mas magkakaintindihan o magkakaunawaan tayong mga Pilipino dahil Wikang Filipino ang magsisilbing tulay o susi para maging epektibo ang proseso ng komunikasyon. Isa rin sa mga kahalagahan ng Pambansang-Wika ay ang maging isa sa mga solusyon sa paglutas ng suliranin tungkol sa "Cultural Diversity" na kung saan mararanasan ng mga Pilipino ang maging isa sa bansa.
          Sa pagdating ng modernisation, maraming nabagong naganap sa ating bansa. Isa na rito ang unti-unting pagbabalewa sa ating Pambansang-Wika. Pero dapat ba nating hayaan at isawalang-bahala ang wikang nagbigay sa atin ng buhay? Ang nagbihis at nagpuno sa ating pagkatao? Hindi, dapat nating alalahanin at bigyang-halaga ang mga sakripisyong ginawa ng ating mga bayani sa wika sa kadahilanang hindi tayo maging bulag at alipin sa ibang tao. Hindi dapat nating payagan na nawala ang ating wikang pagkakakilanlan dahil lamang sa ating mga maling ginagawa tulad ng pagtangkilik ng ibang wika ng ibang bansa at hindi pagbibigay talaga dito. Nangangahulugan lamang ito na parang unti-unti na nating kinikitil ang ating sariling mga buhay. Hindi na nating maipagkakaila na bahagi na ng ating buhay ang Wikang Filipino kung kaya't nasa puso't isipan na natin ito ngunit hindi rin natin maitatanggi na hindi pa Ito sapat kung kaya't dapat na natin itong samahan ng salitang gawa. Magsimula tayo sa sarili natin bago tulungan o hikayatin ang ibang tao (DISIPLINA). Dapat tayong magsalita ng Filipino dahil sa simpleng paraang ito maupay Akita nating pinapahalagahan at tinatangkilik natin ito. Huwag na nating hantaying malusaw pa ito bago bigyang-pansin at kabuluhan.
          Kaya kapwa ko Pilipino, ating tangkilikin, pagyamanin at ipagmalaki ang ating Pangkalahatang Pambansang-Wika (FILIPINO) sa anumang sulok ng Mundo tayo mapadpad. Dahil ang Wikang Filipino, wika ng pagkakaintindihan at ng pag-unlad.
#ADBOKASIYANG PANGWIKA

Mga Komento

  1. Ako'y sang-ayon sa iyong mga tinuran Jecelyn. Ang wikang Filipino ay siyang patunay na tayo'y lumaya na mula sa kamay ng mga dayuhan at siya ring nagbubuklod sa ating mga Pilipino tungo sa pagkakaintindihan na nagiging daan naman sa kaalaman at kaunlaran kung kaya't kailangan natin itong pahalagan. Sapagkat ang wika Ang syang pangunahing pangangailangan upang maipahayag natin Ang nais nating Sabihin ng ating kaisipan kung kaya't kailangan natin itong tangkilikin sapagkat itu Ang syang nag-uugnay sa ating mga Filipino upang tayo'y magkaisa bagkus Ang wika ay makapangyarihan sapagkat nagagawa nitong pukawin Ang ating damdamin at kaisipan. Sa buuhan, ang Wikang Filipino ang isang pagkakakilanlan ng ating lahi, ito ang nagsisilbing tulay sa pagkakaunawaan at pagkakaisa nating mga Pilipino. Isa ito sa yamang dapat pahalagahan at palaganapin pag ang pambansang wika ang nawala marahil ay nawala narin ang ating pagkakakilanlan. Sa panahon ito kung saan namamayani na ang wikang banyaga sa Pilipinas sang ayon ako sa iyong adbokasiyang pangwika. Bakit pa nga ba natin hihintaying mawala kung pwede namang agapan. IPAGMALAKI WIKANG FILIPINO!

    TumugonBurahin
  2. Napakaganda ng iyong nagawang adbokasiya ate tungkol sa ating pambansang wika na pra bang minumulat kaming mga Pilipino na dapat nating bigyang-pansin ang wikang nagbuklod at nagbigay hininga o buhay sa atin. Kaya bilang mamamayan ng bansa, ang magagawa ko lamang upang tangkilikin ang wikang Filipino ay ang paggamit nito ng taos puso. Hindi dahil inuutusan ako ng ibang tao kundi ito ang idinidekta ng puso't isipan ko. Alam kong hindi ito madali lalo na sa pagdating ngayon ng globalisasyon ngunit sisikapin kong magawa ito. Dahil bilang kabilang ng bansang Pilipinas, obligasyon kung paunlarin, ipagmalaki at tangkilikin ang Wikang Pagkakakilanlan����������

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento